Isang lindol na may lakas na magnitude 4.9 ang tumama sa ilang lugar sa Silangang bahagi ng bansa nitong hapon ng Lunes. Sa kabutihang palad walang napinsalang tao o gusali sa nasabing sakuna.
Wala rin nai-ulat na Tsunami Warning matapos ang pag-yanig ng lupa na nangyari bandang ala-1:23 ng hapon, ayon sa Japan Meteorological Agency.
Sumukat ng magnitude 4 ang lindol sa hilagang bahagi ng prepektura ng Ibaraki, timog na bahagi ng prepektura ng Tochigi at hilagang bahagi ng prepektura ng Saitama, base sa ulat ng Fuji TV. Samantalang sumukat naman ng magnitude 3 sa ilang lugar sa buong 23 ward sa Tokyo.
Ayon sa Japan Meteorological Agency, yumanig ang lupa mula sa 50km ka-lalim ng timog na bahagi ng prepektura ng Ibaraki.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation