Isang bulkan ang sumabog sa Kuchinoerabu Island, sa Kagoshima Prefecture sa timog-kanluran ng Japan

Tumutok sa mga balita ukol sa pag-sabog ng bulkan sa Mt. Shindake.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Bulkan sa Kuchinoerabu Island, Prepektura ng Kagoshima.

Ayon sa Meteorological Agency ng Japan, nangyari ang pag-sabog sa Mt. Shindake bandang alas-9:19 ng umaga nitong Huwebes lamang (Japan Time). Isang malaking usok ang lumabas sa crater na umabot ng mahigit 500 metro ang taas.

Patuloy pa rin ang pag-sabog ng bulkan hanggang alas-10 ng umaga, at patuloy pa rin ang pag-buga ng usok na umaabot ng 300 metro ang taas.

Pina-alalahanan ng ahensya na maging alerto ang mga tao dahil maaaring mag-buga ang bulkan ng mga volcanic rock na mag kasamang pyroclastic flow. Inabisuhan rin ang mga residente at mga bumibisita sa lugar na mag-ingat, humanap ng masisilungan at manatiling updated.

&nbspIsang bulkan ang sumabog sa Kuchinoerabu Island, sa Kagoshima Prefecture sa timog-kanluran ng Japan

Nuong buwan ng Agosto, itinaas na ng ahensya ang antas ng eruption alert ng lugar sa ika-apat na antas mula sa limang antas, matapos na maobserbahan ang patuloy na aktibidad ng bulkan.

Ang antas ng alert ay kalaunang ibinaba sa ikatlong antas. Ngunit ang pag-sabog ay nag-patuloy pa rin hanggang buwan ng Oktubre nuong nakaraang taon. Isang malaking pag-sabog naman ang naganap nuong ika-18 ng Disyembre.

Ang pag-sabog nito nuong Mayo ng taong 2015 ay nag-pwersa sa mahigit 130 na residente ng isla para likasin ang lugar.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund