Si Mia Kurihara, 10 taong gulang at nasa ika-4 na baitang sa elementarya ay natagpuang walang buhay sa loob ng banyo sa kanilang tahanan sa lungsod ng Noda, Prepektura ng Chiba. Inaresto naman kaagad ang pangunahing suspek sa pagka-matay ng bata. Ito ay walang iba kundi ang sariling ama na si Yuichiro (41).
Nuong ika-31 ay nalaman na ang sinagot ng bata sa palatanungan na ibinigay ng paaralan nuong Nobyembre ng taong 2017.
Personal na sinagutan at sinulatan ni Mia ang palatanungan. Isinulat nito ang mga sumusunod na kataga, 「Ako ay naka-tatanggap ng pananakit mula sa aking ama. Ginigising niya ako sa dis-oras ng gabi at kapag ako ay gising na tsaka niya ako sasaktan at pag-sisipain. Teacher, mayroon ka bang pwedeng magawa?」
Sinagot rin ng bata ang mga sumusunod na katanungan;
「Ikaw ba ay nakararanas ng pang-aapi?」 ang sagot ng bata ay 「Oo」
「Mula kanino ka naka-raranas ng pang-aapi?」 sagot ng bata ay 「Pamilya」
At mula sa 9 na example ng pang-aapi, ito ang mga sinagot ng bata;
No.1 Paulit-ulit na sinasabihan ng hindi magagandang pananalita at gumagamit ng mga nakaka-takot na salita.
No.2 Nakararanas ng paulit-ulit na pananakit tulad ng pang-bubugbog at paninipa.
No.3 Ginagawan o pina-gagawa ng mga hindi kanais-nais at nakaka-hiyang mga bagay.
At sa No.4 (Atbp.) Isinulat ng bata na 「Ako ay nakararanas ng pananakit.」
Nuong ika-7 ng Nobyembre taong 2017 si Mia ay inilagay sa proteksyon ng Child Welfare Services at ito ay naka-labas nuong Enero ng 2019, at lumipat at ipinag-patuloy ang pag-aaral sa ibang paaralan na nasa loob din ng lungsod hanggang sa ito ay nabalitaang pumanaw na.
Source and Image: The Sankei News
Join the Conversation