Ini-lunsad na ng Japan ang Departure Tax

Departure Tax inilunsad sa hangad na mapa-laki ang bilang ng mga dayuhang bisita ng bansa.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Mula Enero 7, lahat ng lalabas ng bansa ay papatawan na ng Departure Tax.

Ang Japan ay nag-lunsad ng Departure Tax para sa mga Hapones at dayuhang lalabas ng bansa. Ito ay mag-sisimula ngayong ika-7 ng Enero.

Sisingilin ng Japanese government ng ¥1,000 o $9.00 ang mga biyaherong lalabas ng bansa, mapa-himpapawid o karagatan. Ito ang unang bagong national tax na ini-lunsad ng Japan mula pa nuong ipina-kilala angLand Value Tax na 27 taon na ang naka-lilipas.

Sa pag-bili ng mga byahero ng kanilang ticket, sila ay mag-babayad na ng buwis. Samantalang ang mga transit passenger na di mag-tatagal sa Japan ng 24 oras at mga bata na nag-eedad ng 2 pababa ay exempted sa nasabing buwis.

Ini-estima ng gobyerno na aabot sa 55 milyong dolyares ang kikitain mula sa bagong pataw na buwis mula sa Enero hanggang sa 3 huling buwan ng piskal na taon. Aabutin naman ng tinatantyang 460 milyong dolyares kada taon mula 2019 hanggang sa hinaharap.

Ayon sa gobyerno, plano nitong gamitin ang kinita mula sa bagong buwis upang maparami ang dayuhang turista sa bansa. Sa kasalukuyan, ang bansa sy tumatanggap ng mahigit 30 milyong bisita at ito ay balak na palakihin ng 40 milyon sa pag-sapit ng taong 2020.

&nbspIni-lunsad na ng Japan ang Departure Tax

Facial Recognition System

Ngayong taon, plano rin ng gobyerno na ipa-kilala ang Facial Recognition System sa mga paliparan upang mas mapa-bilis ang pag-proseso sa imigrasyon. Plano rin nito na mas pag-igihan ang Notice na naka-salin sa iba’t-ibang lengwahe sa mga National Parks at mga Cultural Assets ng Japan para sa mga dayuhang bisita.

Source and Image: NHK World

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund