Inalay na seremonya para sa ika-30 taon mula nang yumao ang Emperor Showa

Si Emperor Akihito, Empress Michiko, at iba pang mga miyembro ng Imperial Family at mga opisyal ng pamahalaan kabilang ang Punong Ministro Shinzo Abe ay bumisita sa libingan ni Emperor Showa noong Enero 7 para sa isang seremonya upang markahan ang 30 taon mula noong kanyang paglipas.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Image: The Mainichi

TOKYO – Si Emperor Akihito, Empress Michiko, at iba pang mga miyembro ng Imperial Family at mga opisyal ng pamahalaan kabilang ang Punong Ministro Shinzo Abe ay bumisita sa libingan ni Emperor Showa noong Enero 7 para sa isang seremonya upang markahan ang 30 taon mula noong kanyang paglipas.

Kabilang sa humigit-kumulang na 80 katao, pati na rin si Prince Akishino at ang kanyang asawa na si Princess Kiko ay sumali sa seremonya, na pinamagatang Sanryo no Gi, sa Musashino no Misasagi na libingan sa suburban city of Hachioji ng Tokyo.

Nag-alay si Emperor Akihito ng isang tamagushi, o sagradong sanga ng puno, sa harap ng mosoliyo kung saan inialay ang kanin, sake at iba pang mga bagay, at nag alay ng kanyang respeto. Isang “Otsugebumi,” o isang passage ng pasasalamat ang binasa para sa memorya ni Emperador Showa. Ayon sa Imperial Household Agency, ang pagbasa ng nagkakahulugan ng, “Ma-protektahan ang estado at ang mga tao nito at pahintulutan ang pag umunlad.”

Ang isang seremonya na nagmamarka ng 30 taon mula noong pagyao ng Emperador Showa ay ginanap din sa Imperial Palace sa Tokyo, na dinaluhan ni Crown Prince Naruhito at Crown Princess Masako na nagbigay ng respeto sa santuwaryo ng mga ninuno, kung saan ang mga magkakasunod na emperador ay nakabase, na kumakatawan sa Imperial Couple.

Ang Jan. 7 ay nagmamarka din ng 30 taon mula nang umakyat si Emperor Akihito sa trono. Ang pamahalaan ay nakatakda upang i-hold ang isang seremonya na nagmamarka ng milestone na ito sa National Theatre of Japan sa Chiyoda Ward ng Tokyo noong Pebrero 24.

Source: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund