Hindi na aabot pa sa 100 araw bago tuluyang matapos ang Heisei Era, at kalat na sa buong bansa ang mangyayaring pag-babago.
Ang Heisei ay matatapos kasabay ng pag-baba ng kasalukuyang emperor na si Emperor Akihito sa katapusan ng Abril ngayong taon. Mag-sisimula naman sa ika-1 ng Mayo ang panibagong era kasabay sa pag-upo at pag-hirang sa Crown Prince bilang bagong Emperor ng Japan.
Sa Tokyo Station, naaakit ang atensyon ng maraming byahero sa matamis na galapong na mayroong palamang bean paste. Halos umabot sa 100 kahon ang nabebenta nito araw-araw.
Mga papular na kasabihan ng Heisei Era ang naka-sulat sa mga card ng “Thank You, Heisei Manju.”
Isang ginang na nasa 70 anyos ang nag-sabi na ito ay magandang ideya, dahil malapit nang matapos ang Heisei Era kung-kaya’t bibili siya nito bilang souvenir.
Isang tindahan naman sa Shibuya, Tokyo ang gumawa ng espesyal na lugar sa loob ng tindahan para sa mga produkto na may kinalaman sa kasalukuyang era.
Isa sa mga partikular na produktong papular ay ang A4 plastic folder. Naka-disenyo sa harapan nito ang karakter ma Heisei at naka-sulat rin sa ibaba ang mga importanteng pangyayari sa nakaraang 30 taon, ang disenyo nito sa likod ay ang pag-bagsak ng Berlin Wall nuong 1989.
Mahigit 50 uri ng produktong ibine-benta ay may kaugnayan sa Heisei Era.
Sabi naman ng isang 18 anyos na estudyante, siya ay pumunta duon upang bumili nang mga commemorative items dahil ito ang unang pagkaka-taon na maranasan niya ang pag-palit ng era.
Sa iba’t-ibang website na nag-lalagay ng countdown sa araw ng pag-tatapos ng Heisei era, mula nuong Lunes ang counter ay naging 99 na araw na lamang.
Sa abalang distrito ng Shinjuku sa tokyo, may mga nag-bahagi ng kanilang saloobin ukol sa pag-tatapos ng kasalukuyang era.
Naka-lulungkot isipin na matatapos na ang era kung saa ako nabibilang niong ako ay ipinanganak, ani ng isang 21 anyos na lalaki.
Habang ang 24 anyos na childcare giver ay masayang sasalubungin ang bagong era at excited na siya na i-welcome sa kanyang paalagaan ang mga batang isisilang sa bagong era.
Source: NHK World Japan
Image: SoraNews24
Join the Conversation