Dating empleyado ng Nomura Securities inakusahang naka-dispalko ng malaking halaga ng pera ng mga kliyente.

Dating financial adviser ng isang security company, naka-dispalko ng pera ng mga kliente.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Naomi Shima, Twitter

Pinag-hihinalaan ang dating empleyado ng security firm na Nomura Securities Co. na dumispalko ng mahigit na 50 milyong yen mula sa mga account ng costumer sa loob ng 5 taon, pahayag ng mga pulis nuong Martes, mula sa ulat ng Kyodo News.

Napapaloob sa mga taong 2012 hanggang 2017, si Naomi Shima, dating financial adviser sa Yokohama Branch ng nasabing kumpanya ay pinag-hihinalaan na naka-dispalko ng mahigit 53 milyong yen mula sa 6 na kliyente. Sa pamamagitan ng panlilinlang sa mga ito na ibigay sa kanya ang kanilang ATM Cards.

Inakusahan rin ng mga awtoridad si Shima (46), sa pag-gamit ng 2 card ng isang lalaki na nasa 80 taong gulang na naninirahan sa Hodogaya Ward na mag-withdraw ng mahigit 6.2 milyong yen cash mula sa ATM nito sa mahigit 40 okasyon sa loob ng 6 na buwan mula buwan ng Septyembre taong 2017.

Nang makuha ang mga card sa mga kliente sinabi umano ng suspek na “Kailangan ito sa pag-papabago.” kasabay nito ang pag-kuha ng mga personal identification number ng mga biktima.

“Ayokong mabago ang estado ng pamumuhay ko!”ayon mismo sa suspek nuong siya ay tanungin ng Hodogaya Police Station habang tinatanggap ang mga paratang at kaso laban sa kanya.

Ang nasabing usapin ay lumitaw nuong nagkaroon ng imbestigasyon ang kumpanya. Tinanggal si Shima nuong Pebrero nuong nakaraang taon.

Source:  Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund