Babae sa Tokyo arestado dahil sa pag-tago ng labi ng isang sanggol sa loob ng isang kabinet.

Babae sa Tokyo, isinilid sa loob ng kabinet ang kanyang bagong silang na sanggol.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang isang 24 anyos na babae dahil sa suspetsang pag-tago nito sa labi ng isang bagong panganak na sanggol sa kabinet sa loob ng shared apartment na kanyang tinitirahan sa Toshima Ward, mula sa ulat ng TBS News.

Nuong umaga ng Linggo, ilang mga kalalakihan at kababaihan na naninirahan sa isang shared apartment sa Higashi Ikebukuro Area ang nag-tipped off sa mga pulis tungkol sa isang masangsang na amoy na nag-mumula sa loob ng kabinet at sa “isang plastic na may bahid ng dugo sa kanilang balkonahe.”

Natagpuan ng mga pulis na rumesponde sa tawag ang pinaniniwalaang labi ng isang bagong silang na babaeng sanggol na naka-balot sa tuwalya at naka-silid sa loob ng isang plastic bag sa loob ng kabinet.

Yumi Jitsuhara, Twitter

Kalaunan, inaresto na ng mga awtoridad si Yumi Jitsuhara, isang part-time employee sa hinalang pag-abandona sa labi ng kanyang sanggol.

“Nanganak ako sa loob ng aking silid nuong Disyembre, ngunit wala akong kakayahang buhayin o alagaan ang bata.” pag-amin ng suspek sa mga pulis. “Hindi ko rin kilala kung sino ang ama ng bata.”

Sinabi ni Jitsuhara na buhay ang sanggol nuong ito ay isinilang niya. Sa kasalukuyan, inaalam ng mga kapulisan kung ano ang naging sanhi ng pagka-matay ng sanggol.

Source:Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund