Ang Japanese newspaper na Asahi Shimbun ay nakatanggap ng isang sobre noong Biyernes na naglalaman ng isang sulat na nagbabanta at may nakalagay na pulbos na pinaghihinalaang potassium cyanide.
Nalaman ang development ng kaso na ito pagkatapos malaman na mayroong katulad na ganitong envelope na ipinadala sa isang kabuuang 13 na iba pang mga kumpanya sa parehong araw.
Kabilang dito ay ang mga drug companies sa Tokyo at Osaka, isang kompanya ng pagkain sa hilagang lungsod ng Sapporo, at isa pang pahayagan na nakabase sa Tokyo.
Ang ilan sa mga pulbos ay nakumpirma bilang potassium cyanide, na ang iba pa ay pinaniniwalaan na may parehong sangkap.
Sinabi ng pulisya na ang sobre na dumating sa punong-tanggapan ng Asahi sa Tokyo ay naglalaman ng salita na katulad din ng mga nakasulat sa iba pang pinadalhan.
Kabilang dito ay ang isang banta na ipapakalat ang mga produkto na naglalaman potassium cyanide kung hindi magbibigay ng 35,000,000 South Korean won, o nasa 31,000 dollars na worth ng Bitcoin.
Ang mga pulis ay nagtatrabaho upang matukoy kung ano ang ipinadala na substance sa Asahi.
Pinaghihinalaan ng pulisya ang lahat ng mga sobre ay ipinadala ng iisang tao.
Source: NHK World
Join the Conversation