Isang 60 anyos na ginang ang binawian ng buhay matapos matamaan ng isang bata sa isang ice skating rink sa Aomori Prefecture. Ang ginang ay nahulog at nabagok ang ulo. Agad naman itong dinala sa hospital kung saan ito binawian ng buhay.
Ang insidente ay nangyari bandang ala-1:10 ng hapon nuong ika-ng Enero sa isang Ice Skating Rink sa Nagane Park, Hachinohe. Ang insidente ay ibinalita nuong Martes sa pag-uulat ng Fuji T.V
Nag-paskil na rin ang pamunuan ng nasabing skating rink ukol sa nangyaring insidente at nanghihingi ng kahit anong impormasyon ukol sa batang naka-tama o kung sino man ang naka-kita ng buong pang-yayari.
Ang ginang ay nabangga ng isang bata sa kanyang likuran, ito ang nag-sanhi ng pagka-dulas o pag-tumba ng ginang at tumama ang kanyang ulo sa sahig na yelo. Agad namang nilapatan ng paunang lunas ang ginang bago ito isinugod sa pagamutan kung saan siya binawian ng buhay.
Ayon sa opisyal ng Lungsod ng Hachinohe, ito ang kauna-unahang insidente na mayroong binawian ng buhay sa kanilang skating rink. Napag-alaman rin na nuong araw ng insidente, mahigit 300 katao ang bumisita sa skating rink.
Ang ginang ay hindi rin naka-suot ng helmet nuong oras ng insidente. Ang pamunuan ng skating rink ay gumawa na ng extrang pag-iingat at patuloy na nag-aanunsyo ng paalala na dapat naka-suot ng helmet kapag nasa loob ng skating rink.
Source: Japan Today
Image: Youtube
Join the Conversation