Isang malakas na pag-yanig ng lupa ang naramdaman at tumama sa western Japan na rumihistro ng intensity 6 mula sa 0 hanggang 7 ng Japanese Seismic Scale sa Lungsod ng Nagomimachi sa prepektura ng Kumamoto. Wala naman naitalang peligro mula sa Tsunami.
Ayon sa Japan Meteorological Agency, ang pag-yanig ay naganap bandang ala-6:10 ng hapon nuong Huwebes. Inestima ng ahensya na ang lindol ay may lakas na 5.0 magnitude, ngunit kalaunan ay pinalitan ng 5.1 magnitude.
Ayon pa sa mga ito, ang sentro ng pag-yanig ay may higit na 10 km sa ilalim ng rehiyon ng Kumamoto.
Naramdaman ang pag-yanig ng lupa sa ilang parte ng mga rehiyong Kyushu, Chugoku at Shikoku. -5 ang rumihistro sa Kita Ward ng Kumamoto City at sa lungsod ng Gyokutomachi sa Kumamoto Prefecture.
Ito ang pinaka-unang pag-yanig ng lupa na rumihistro ng -6 o higit pa na tumama sa Kumamoto Prefecture mula pa nuong Major Quake na nangyari nuong ika-16 ng Abril taong 2016.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation