Ang outer garden ng Imperial Palace na pangkaraniwang nababalot sa dilim pag-sapit ng gabi ay nilagyan ng mga ilaw, sa pangunguna ng bagong gobyerno.
Ito ay mas kilala sa tawag na Kokyogaien National Garden. Ang lugar ay binubuo ng Sakurada-mon Gate, stone walls at mga puno.
Ayon sa mga opisyal, mahigit 2,000 ilaw ang inilagay sa lugar. Ito ay inilagay upang makita ng mga dumaraan malapit sa palasyo ang pav kutitap nito pag-lubog ng araw hanggang sumapit ang alas-9:00 ng gabi.
Ang makasaysayang Nijubashi Bridge ng Imperial Palace, Turrets at iba pang istraktura ng palasyo ay nilagyan rin ng mga pa-ilaw na makikita pag-sapit ng alas-5:00 ng hapon hanggang alas-9:00 ng gabi. Ito ay mapagmamasdan hanggang ika-6 ng Enero.
Source: Asahi Shimbun
Image: Wataru Sekita
Join the Conversation