Dahil sa pag-taas ng bilang ng krimen na tuma-target sa mga batang mag-aaral, napag-desisyonan ng National Police Agency (NPA) na mag-install ng mga surveillance camera sa buong bansa sa mga kalyeng kadalasang daanan ng mga batang mag-aaral papunta at pauwi sa paaralan. Ito ay upang mapa-bilis makita ang mga kaso ng mga kahina-hinalang kilos ng mga indibidwal na nag-kukubli at umaaligid sa mga walang kamalay-malay na estudyante.
Ayon sa NPA, mayroong mahigit 644 na total na bilang ng kaso ng mga batang hindi bababa sa 13 anyos ang edad na nagiging biktima ng mga krimen na nagaganap sa ruta ng paaralan nuong taong 2017. At nitong taon lamang sa lungsod ng Niigata, at itinuturing na isa sa mga high-profile case ng bansa. Isang 7 taong gulang na bata na nag-lalakad mag-isa papa-uwi sa kanilang tahanan mula sa paaralan nang bigla itong dinukot at pinatay. Sinabi ng NPA, karamihan sa mga krimeng ito ay ginagawa ng isang indibidwal, kadalasan na kalalakihan. Kanilang nilalapitan o sinu-sundan o hindi naman kaya ay tinatawag o kimakausap ang mga bata.
Dahil sa mga impormasyong nakarating sa kanila, sinabi ng NPA na sila ay mag-iinstall ng mga surveillance camera sa buong bansa upang mabilis na ma-imbestigahan ang mga naturang insidente.
Kapag naka-likom ng impormasyon mula sa mga residente tungkol sa kahina-hinalang kilos ng isang indibidwal ay agad na mag-lalagay ng surveillance camera sa naturang lugar. At matapos maka-kuha ng pahintulot mula sa property owner na maka-record ng mga footage ito ay gagamitin para sa pag-sisiyasat.
Bukod pa dito, ang mga law-enforcement officers ay mag-sisimulang ibahagi ang impormasyon na kinulekta mula sa mga isinagawang pag-sisiyasat sa mga paaralan at regional area upang mas higit pang palakasin ang hakbang upang ma-protektahan ang mga bata.
Source: Japan Today
Image: The Guardians
Join the Conversation