Nagsasa-gawa ng imbestigasyon ang Kanagawa Prefectural Police sa kasaluluyan, matapos maka-diskubre ng labi ng isang sanggol sa babay ng ilog sa Hiratsuka City nuong Huwebes, ulat ng NHK
Bandang alas-9:30 ng umaga, isang lalaking nagjo-jogging ang tumimbre sa mga pulis matapos nitong matagpuan ang palutang lutang na labi ng isang sanggol sa gilid ng Hanamizu River sa Hanamizugawa Bridge.
Ayon sa mga pulis, ang sanggol na naka-kabit pa ang umbilical cord ay may haba na 50 cm. Hindi alam ang kasarian ng bata at pinaniniwalaang ito ay namatay ilang oras lamang bago ito madiskubre.
Ayon sa mga pulis, sila ay magsasa-gawa ng awtopsiya ngayong Biyernes at ang resulta nito ay gagamitin upang matukoy ang sanhi ng pagka-matay ng sanggol.
Ang lugar ng pinag-tagpuan ng labi ay may layo na 2km pa-Timog-Kanluran patungo sa JR Hiratsuka Station.
Ang mga lungsod ng Hiratsuka at Oiso ang bina-baybay ng naturang ilog.
Source: Tokyo Reporter
Imqge: Twitter
Join the Conversation