Ipakikilala ng Japan ang kanilang Ninja Culture sa mundo.

Nilalayon ng bansang Japan na makilala ng mundo ang kanilang kulturang nagtatampok sa mga Ninja.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Ang gobernador ng Mie Prefecture na si Gov. Eikei Suzuki at ilang mga mambabatas kasama si Punong Ministro Shinzo Abe.

Ipinakikilala ng Japan ang kanilang kultura tungkol sa mga Ninja upang makapang-akit ng maraming dayuhang turista sa bansa.

Nakipag-kita ang gobernador ng prepektura ng Mie na si Gov. Eikei Suzuki at ilang mga mambabatas na naka-costume ng Ninja sa Punong Ministro na si PM Shinzo Abe sa Tokyo nuong Miyerkules. Ang kinikilalang Mie Prefecture sa kasalukuyan ay ang dating tirahan ng pangkat na “Iga Ninja”.

Ini-abot nila sa Punong Ministro ang isang scroll sa halip na isang ordinaryong papel. Naka-saad sa nasabing scroll ang kanilang kahilingan na mai-promote nila ang Ninja Culture ng Japan sa darating na 2019 Rugby World Cup at sa 2020 Olympic at Paralympic na gaganapin sa bansa.

Nuong unang panahon sa Japan ang mga Ninja ay mga lubos na sinanay na mga propesyonal na espiya at may kakayahan ng kaliluhan at pagka-malihim. Sila rin ay popular na tauhan sa mga kwentong samurai.

Sinabi ni Abe na ipakikilala at ipapakita sa mga nabanggit na event ang Ninja Culture ng Japan, at pati na rin sa 2025 World Expo na gaganapin sa Osaka. Hinahangad ng Punong Ministro ng bansa na ito ay maging daan upang dumami at dagsain ng mga turista ang Japan.

Sinabi rin ni Gov. Suzuki sa mga reporters na inaasahan niya na maging isang pangkat ang buong bansa sa pag-promote ng Ninja Culture sa mundo. Dagdag pa nito na nais niya muling pasayahin ang mga lokal na komyunidad.

Source and Image: NHK World

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund