Iniharap sa prosekyutor ang 4 na katao na may kaugnayan sa pag-panaw ng 5 katao dahil sa sunog

Nakalimutang mga staff at kostumer sa nasusunog na gusali, namatay dahil sa suffocation sa Lungsod ng Saitama nuong 2017.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
5 katao ang binawian ng buhay dahil sa nangyaring sunog sa isang bath house sa Saitama City nuong nakaraang taon.

Ipina-dala ng Saitama Prefectural Police sa prosekyutor ang 4 na katao kaugnay sa nasunog na Soapland Bath-house sa lungsod ng Saitama na kumitil sa buhay ng 2 kostumer at 3 empleyado, mula sa ulat ng NHK.

Nuong Huwebes, ipinadala ng pulis sa prosekyutor ang manager ng Kawai Omiya na matatagpuan sa loob ng 3 palapag na gusali na may 300 metro mula sa JR Omiya Station. Kabilang rito ang 3 pang katao dahil sa suspetsang propesyonal na pag-papabaya na nag-resulta sa pagka-matay ng 5 katao.

Hindi bababa sa isang dosenang katao ang namatay at nag-tamo ng pinsala mula sa pagka-sunog ng gusali na nangyari nuong ika-17 ng Disyembre taong 2017. Ang resulta ng isina-gawang awtopsiya sa mga labi ng 5 katao ay namatay ang mga ito dahil sa Carbon Monoxide Poisoning at pagka-sunog.

Ayon sa mga naunang ulat, nilamon umano ng apoy ang ikalawa at ikatlong palapag bago pa matupok ng 20 fire trucks ang apoy na umabit ng mahigit 5 oras. Nag-mula sa koleksyon ng basura sa ikalawang palapag ang pinag-mulan ng apoy, ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin matukoy kung paano ito nag-simula.

Umamin naman ang 4 sa mga ipinaratang sa kanila. Ani ng manager, ” Nakalimutan ko na mayroong mga kostumer at empleyado sa ikatlong palapag, ang tanging pumasok lamang sa aking isipan ay paano lisanin ang ikalawang palapag. ”

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund