Sabi ng Japanese Weather Officials na lumalakas ang snow sa kahabaan ng baybayin ng karagatan ng Japan. Nag-baba ng babala na posibleng magkaroon ng abala sa transportasyon ngayong year-end holiday season.
Ayon sa Meteorological Agency, matinding pag-buhos ng niyebe ang inaasahan sa mabundok na lugar sa silangan at kanlurang bahagi ng bansa. Maaari rin maipon ang snow sa kalsada sa ilang bahagi ng rehiyong Gokai at Kansai.
Sa Niigata Prefecture, inaasahang aabot ng 80cm ang taas nang naipong niyebe sa loob ng 24 oras mula umaga ng Sabado. 70cm naman sa Tohoku Region, 60cm sa Kanto-Koshin Region at 50cm sa Hokuriku Rehion at Hokkaido.
Ang mga opisyal ng ahensya ay nag-sabi na isang malakas na winter pressure pattern ang magpapa-tuloy hanggang Linggo. Maaari itong mag-dulot ng malakas na pag-buhos ng niyebe sa maraming lugar.
Inaasahan rin na magkaka-blizzard sa ilang lugar sa tabi ng baybaying dagat ng Japan gaya ng hilagang Japan at Hokuriku. Ito ay may dalang malakas na hangin na may bilis na 72km/h na inaasahang mag-tungo sa Hokkaido at Hokuriku. Samantalang 65km/h naman sa Tohoku na may aunting bugso na umaabot sa 108km/h.
Sinabi ng mga opisyal na dapat mag-ingat ang mga tao sa mga snow na naka-tumpok sa ibabaw ng mga kable ng kuryente o sa mga sanga ng mga puno. Posible rin na magkaroon ng pag-guho ng niyebe.
Ang sama ng panahon ay maaaring mag-dulot ng pinsala tulad ng pagka-matay. Ayon sa lokal na pulis sa Yamagata, natagpuan nila ang isang 65 anyos na lalaki na malapit sa isang snowplow na wala nang buhay, nuong biyernes ng umaga. Ang matanda ay posibleng naipit sa ilalim ng gulong.
Source and Image: NHK World
Join the Conversation