Sinabi ng Punong Ministro ng Gabinete ng Japan na si Yoshihide Suga na plano ng gobyerno na buksan ang 100 na mga support centers para sa mga dayuhang manggagawa sa buong Japan.
Ito ay magiging bahagi ng mga komprehensibong hakbang na nais ng bansa na gawin sa katapusan ng taon, bago pa ipatupad sa buwan ng Abril ang bagong batas upang tumanggap ng mas maraming dayuhang manggagawa.
Nagsalita sa Fukuoka City noong Linggo at sinabi ni Suga na inaasahan niyang makita ang mga sentro ng suporta sa lahat ng mga prefecture, mga pangunahing lungsod, at munisipalidad kung saan naninirahan ang isang malaking bilang ng mga dayuhang manggagawa. Sinabi niya na ang bawat sentro ay magkakaroon ng mga interpreter o mga sistema ng translations.
Sinabi ni Suga na ang gobyerno ay magbibigay ng halos 2 bilyon yen, na katumbas ng humigit-kumulang 17.6 milyong dolyar, sa mga lokal na pamahalaan upang buksan ang mga sentro.
Sinabi ni Suga na plano ng pamahalaan na magkaroon ng mga kompanya na responsibilidad sa pagtatalaga ng mga guarantor kapag ang kanilang mga manggagawa ay umupa ng mga apartment.
Sinabi rin ng gobyerno na ang mga dayuhang manggagawa ay makakapag-sign sa kontrata ng subscription ng mobile phone gamit ang kanilang mga residence card.
Naglagay din si Suga ng mga plano upang gawing mas madali para sa mga dayuhan na magbukas ng account sa bangko at makakuha ng medical assistance sa pamamagitan ng mas maraming magagamit na mga serbisyong multi-lingual.
Gayunpaman, sinabi ni Suga na hiniling ng mga naghaharing partido ng Japan ang gobyerno na lubusang imbestigahan ang mga pinaghihinalaang kaso ng pang-aabuso ng sistemang medikal ng Japan ng mga dayuhang residente.
Sinabi ni Suga na ang isyu ay tatalakayin sa plenary session ng susunod na taon sa Diet.
Source: NHK News
Join the Conversation