Poster ng Japan na tungkol sa Sexual Harassment, binabatikos

Poster tungkol sa Sexual Harassment, binabatikos ng mga kritiko.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Poster ng Sexual Harassment Awareness

Bilang bahagi ng taunang kampanya upang maitaguyod ang kamalayan tungkol sa pisikal at mental na pang-aabuso sa mga kababaihan, inorganisa ng samahan ng pamahalaan ang sikat na aktor na si Mikihiza Azuma upang lumabas sa poster tungkol sa Sexual Harassment na makikita sa itaas.

Makikita si Azuma ng apat na beses sa nasabing poster. Sa kaliwang bahagi sa itaas ng poster makikita ang aktor na naka-kindat habang kinaka-usap ang isang babae na naka-suot ng short-sleeved pink blouse, “Ang ganda ng suot mo ngayon, ganyan ang mga tipo kong fashion.” ani ng aktor sa babae. Samantalang sa kanang bahagi sa itaas ng poster, makikitang naka-ngiting may kausap na babae si Azuma. Sinabi nya rito na “Ang ganda mo. Nabawasan ba ang iyong timbang?”

Sa larawan, walang sinu man sa 2 babae ang natuwa sa sinabi ng lalaki. Sinabi ng babaeng pinuri ni Azuma na maganda ang kasuotan, “Wala namang kinalaman yan sa anumang bagay!” Sumagot rin ang babaeng pinuri ni Azuma na may magandang panganga-tawan ng “Yang lamang ba ang ginagawa mo sa lahat ng oras mo?”

Sa gitna ng poster makikita ang pinaka malaking litrato ni Azuma. Dito makikita ang expression ng kanyang mukha, ang pagka-dismaya at pagka-bigla. Mayroong makikitang sulat sa tabi nito na nag-sasabing “Ito rin ba ay Sexual Harassment? At sa ilalim nito naka-sulat, gamit ang asul na tinta ang isang babala. “Hindi ikaw ang magpapasya kung ito ay isang sexual harasment o hindi.

Maraming netizens ang nababahala sa  itsura ng ekspresyon sa mukha ng aktor sa gitna ng poster at ang paraan ng pag-sabi ng babala sa ibaba nito. Maaari kasi na maging mali ang  interpretasyon nito sa iba.

“Parang maling biktima ang pina-panigan ng nasabing poster.” ani ng isang twitter user. Bakit sa kampanya upang maitaguyod ang kamalayan tungkol sa karahasan sa kababaihan, ang pangunahing imahe na makikita ay ang isang lalaki na may ekspresyon na parang nagsa-sabi na “Kami ang tunay na biktima rito.”

“Sa halip na gumawa ng poster para ma-proteksyonan ang mga kababaihan, sila ay pumapanig sa mga middle-aged man na siyang nangha-harass sa mga kababaihan.”  ani naman ng isa pa.

Hindi maiwasan ang ganitong usapin, ngunit hindi ito ang mensahe na nais iparating ng mga gumawa ng poster. Sa pinaka-baba ng poster , makikita si Azuma na naka-taas ang hintuturo (isang pangkaraniwang galaw ng mga hapon kapag nag-sasabi ng paalala o babala.) At sa kanang bahagi nito ay may naka-sulat na kulay puti at nag-sasabi na “Bigyang konsiderasyon ang saloobin ng kausap at ang mga nasa paligid nito.”

Kahit na sabihin ng iba na sobrang sensitibo ng mga reaksyon ng mga kababaihan sa poster ni Azuma, hindi pa rin ito kwalipikado bilang “walang konsiderasyon” dahil sa context na naka-lagay sa tabi ng kamay ng aktor. Maliwanag ang sina-saad nito ang mensahe na nais iparating ng gabinete. Ito ay ang mga salita o katagang ginagamit ay maaaring makapag-dulot ng hindi komportableng pakiramdam sa kausap kahit na hindi sinasadya o walang intensyon na maka-panakit ng damdamin. Mahalagang konsiderahin at tanggapin na ang ginagawang pamumuri ay maaring tanggapin ng mali o masamain ng taong kausap. Ang pinaka-magandang gawin dito ay sarilinin ang opinyon upang maka-iwas sa hindi pagkaka-unawaan.

Nag-tweet din ang gabinete na “anu mang karahasan sa kababaihan sa kung ano mang uri, kabilang ang domestic violence at sexual harassment ay hindi katanggap-tanggap!”

Maraming kahulugan ang isang larawan, ngunit hindi naman ito hayagang nasasabi. Ang disenyo ng poster ni Azuma ay repleksyon lamang ng karamihan na kung gaano ka-walang kaalaman ang ibang tao sa masamang epekto ng kanilang mga pinaniniwalaang walang kahulugang komento. Ito ay nag-papa alala lamang sa lahat na huwag gamitin ang sariling opinyon kung ito ay katanggap- tanggap man o hindi. Tinutukoy nito ang “Ikaw” sa “Hindi ikaw ang mag-dedesisyon kung ito ay sexual harassment o hindi.” Tinutukoy nito ang mga kalalakihan na malimit na nakikipag-usap sa mga kababaihan.

Para sa mga kritiko, ang ekspresyon sa mukha ni Azuma ay reaksyon ng frustrations at hindi makabuluhang rason mula sa babaeng kausap nito. Dahil dito ang “Ikaw” ay parang itinuturo ang mga kababaihang nakakaramdam na sila ay sexually harassed.

Sa kasamaang palad, para sa gabinete kailangan mo pang tignan ng mabuti ang poster bago mo pa makita ang katagang “Bigyang konsiderasyon ang saloobin ng iba at ng mga nasa paligid nito.”

Sa puntong ito, marami nang tao ang na offend sa kanilang nakita na pag- wawalang bahala sa issue at ang mga taong nag-iisip na ang lipunan ay masyadong nababahala ukol sa mga sexual harassment, tumatango na lamang ang mga ulo nito at nag-sasabi na “Kita nyo?!”

Iniisip rin ng ibang tao na masyadong sensitive naman ang iba. Dahil diyan asahan na magkakaroo ng re-design sa poster upang mai-patupad ang tutuong mensahe na nais iparating ng gobyerno.

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund