Sinabi ng ministeryo sa edukasyon ng Japan na ang bilang ng mga child suicide sa bansa ay umabot sa pinaka-mataas sa loob ng 30-taon.
Ang isang survey na isinagawa ng ministeryo ay nagpapakita na may 250 na elementary, junior high at high school students sa buong Japan ang nagpakamatay simula Marso ng taong ito.
Iyan ay 5% na mas higit pa kaysa sa nakaraang taon.
6 sa mga estudyante ay nasa elementarya, 84 sa junior high at 160 sa high school.
Sinasabi ng mga paaralan na ang dahilan ng 140 na pagpapakamatay ay hindi alam. Ang dahilan sa 33 na kaso ay mga problema na may kaugnayan sa kawalan ng katiyakan pagkatapos ng graduation, problema sa pamilya para sa 31 na kaso at bullying para sa 10 na kaso.
Ang bilang ng mga suicide sa lahat ng mga grupo ng edad ay bumagsak sa below 30,000 sa Japan. Ngunit ang mga bata na pagpapakamatay ay nananatiling mataas.
Sinabi ni Yutaka Motohashi, na namumuno sa isang center sa pagpigil sa pagpapakamatay, ang mga sanhi ng mga pagpapakamatay ng maraming bata ay hindi alam dahil wala silang mga talaan. Sinabi niya na ito ay mahirap gawan ng mga countermeasures. Binibigyang diin niya ang pangangailangan na bumuo ng isang sistema upang matuklasan ang mga batang may mataas na panganib na magpakamatay.
Source: NHK World
Join the Conversation