Tinatantyang ng Japanese Ministry at iba pang ahensya na aabot sa 40,000 dayuhang mangga-gawa ang papayagang maka-pasok sa Japan sa darating na 2019 kung magkaka-bisa ang bagong Immigration System sa darating na Abril.
Nuong Biyernes, nag-sumite ang pamahalaan ng isang panukalang batas sa DIET upang baguhin ang Immigration Control Law upang makapasok ang mga dayuhang mangga-gawa at matugunan ang problema ukol sa kakulangan ng mangga-gawa sa bansa.
Tinitingnan ng gobyerno ang pag-tanggap ng mga dayuhang mangga-gawa sa 14 na sektor, kabilang dito ang nursing care at constraction. Ngunit ang panukalang batas ay hindi nagta-takda ng mga sektor, naka-saad dito na ordenansa ng ministro ang magpapa-siya nito.
Tinatantiya ng mga opisyal ng ministeryo na maaring mahigit 40,000 dayuhang mangga-gawa na napapa-loob sa 14 sektor ang darating sa unang taon pa lamang.
Ang namumunong kowalisyon ay sisimulan nang makipag-ugnayan sa partido ng oposisyon upang talakayin ang panukala sa susunod na linggo, upang masimulan ang deliberasyon sa DIET nitong darating na Huwebes.
Source and Image: NHK World
Join the Conversation