Hindi sinisingil ng isang ticket seller ang mga turistang dayuhan dahil sa phobia sa mga ito.

Dahil nasigawan na dati ng dayuhan, isang matanda nagkaroon ng phobia sa mga ito.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Shinjuku Gyoen National Garden

Isang hapon ang nagpa-pasok ng mga dayuhang turista ng libre sa isang tourist attraction sa Tokyo matapos magkaroon ng phobia sa mga ito. Dahil sa ginawa ng matanda sumasa-total ng mahigit 25 milyong yen ang tinatantyang nawala sa nasabing atraksyon.

Ang ticket seller na ngayon ay 70 anyos na ay nag-sabi na siya ay takot sa mga dayuhang turista matapos maka eksperiyensa na masigawan ng isang dayuhan ilang taon na ang naka-lipas, ulat ng isang local media.

Ang matanda ay nagpa-pasok ng ini-estimang 160,000 na turista sa Shinjuku Gyoen National Garden ng libre sa pahigitan ng mga taong 2014 hanggang 2016.

Nadiskubre na milyon ang nawalang kita ng nasabing pasyalan dahil sa phobia ng matanda.

Ang issue ay lumabas nuong Disyembre 2016 nang mapansin ng isang katrabaho ang “kakaibang gawain” ng kasama at agad na ini-report ito sa management. Kinausap ng management ang matanda na hindi na pinangalanan.

Inamin nito na hindi niya sinisingil ng bayad sa ticket ang mga dayuhan. Ang ticket ay nagkaka-halaga ng 200 yen sa matanda at 50 yen sa bata. Hindi raw ito kumportable na maningil ng pera sa mga ito.

“Wala akong ibang alam na lenggwahe, at natakot ako nang minsan sigawan ako ng isang dayuhan ilang taon na ang nakalipas.” paliwanag ng matanda ayon sa SoraNews2.

Sa isang imbeatigasyon na isina-gawa ng Ministry of Environement, ini-scan ang computer records ng matanda at napag-alaman na ito ay nag-iissue ng ticket at pagka-tapos ay ikakansela para maging tama ang record sa database ng mga taong 2014 hanggang 2016. Sasabihan niya ang isang kasama na i-cancel ang pinag-benyahan, ayon sa SoraNews24.

Lumabas sa audit na tinatantyang nawalan ng mahigit 25 milyon yen na kita ang nasabing pasyalan. Bilang resulta, babawasan ng 10% ang sahod ng matanda kada buwan, base sa ulat ng ibang Japanese media.

Sa kasalukuyan, ang matanda ay nag-retiro na at nag-alok na ibibigay ang kalahati nang matatanggap na retirement bonus upang ipang-bayad sa nawalang kita ng pasyalan.

Source and Image: BBC News

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund