Ipinakita ng Kyodo News Poll nuong Linggo na sinusuportahan ng karamihan ng mga hapon ang panukalang batas upang buksan ang pinto sa mas maraming dayuhang mangga-gawa sa mga sektor na kulang sa mangga-gawa.
Nalaman sa isang telephone poll na isinagawa nuong nakaraang linggo na 51.3 porsyento sumusuporta sa panukalang batas na inaprubahan ng gabinete ng Punong Ministro ng Japan na si Shinzo Abe nuonh Biyernes, habang 39.5 porsyento naman ang salungat rito.
Ang resulta ay nagpapa-hiwatig na ang Japanese Public ay hindi kritikal sa draft legislation na oposisyon ng mga mambabatas, tulad ng iniisip ng mga partido ni Abe.
Ang panukalang batas na isinumite ng gobyerno sa parlyamento ay bubuo ng mga bagong kategorya ng visa para sa mga dayuhang may kakayahan mag-trabaho sa mga sektor na may kakulangan sa mga mangga-gawa dahil sa mabilis na pag-tanda ng papulasyon sa bansang Japan. Ang mga trabahong konstruksyon, pagsa-saka at pag-aalaga o nursing care ang mga kabilang dito.
Ipina-kita rin sa Kyodo Poll ang 50.8 porsyento ng mga salungat sa pag-taas ng buwis ayon sa pahayag ni Abe na magaganap sa Oktubre ng susunod na taon. Mula sa kasalukuyang 8 porsyento, ito ay tataas ng 10 porsyento. Samantalang 46.4 naman ang sumusuporta sa nasabing pag-taas ng buwis.
Ang rate ng pag-apruba para sa gabinete ni Abe ay nasa 47.3 porsyento, 0.8 porsyento punto mula sa nakaraang survey na isinagawa ng isang buwan na mas maaga at may disapproval rating na 39.5 porsyento.
Sinabi sa isang press conference na halos 75 porsyento ng mga tumugon ang nag-sabi na dapat mag-sumite ng detalyadong paliwanag si dating Regional Revitalization Minister na si Satsuki Katayama na tanging babaeng ministro ng gabinete na dawit sa isang iskandalo sa pera.
Isang weekly magazine ang nag-ulat nuong Oktubre na si Katayama na dating opisyal ng Finance Ministry ay tumanggap ng pera bilang kabayaran mula sa may-ari ng isang manufacturing corporation kapalut bg espesyal na pag-trato sa pag-tatanong ukol sa buwis ng kumpanya.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation