Humingi ng paumanhin sa lahat ang Nippon Airways Co. noong Miyerkules dahil sa pagkaantala ng flight sa Okinawa noong nakaraang linggo dahil ang isang piloto ay sumama ang pakiramdam pagkatapos ng isang gabi ng pag-inom ng alak.
Limang domestic flight na umaalis at dumating sa southern island prefecture ng Japan ang naantala ng hanggang 58 minuto habang naghihintay na makahanap ng substitute na piloto.
Ang pilot na nasa kanyang 40s ay umiinom ng alak hanggang 10 p.m. noong gabi ng Oktubre 24 sa lungsod ng Ishigaki sa Okinawa at tumawag sa kumpanya at pinaalam na masama ang kanyang pakiramdam at hindi niya kayang pumasok para sa kanyang unang flight ng 8:10 ng umaga, sinabi ng kumpanya.
Sa kanyang paghingi ng tawad, sinabi ng ANA na sisiguraduhin nito na maging maayos ang kanilang mga tauhan at pangaralan ang mga ito tungkol sa pag-inom ng alcohol upang maiwasan ang mga ganitong katulad na sitwasyon sa hinaharap.
Source: The Mainichi
Join the Conversation