3 katao patay, matapos mahulog ang kotse sa dagat

3 katao patay sa murder-suicide sa Miura City sa Kanagawa Prefecture.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Litrato ng sasakyang nahulog umano sa dagat sa Miura City.

Ini-imbestigahan ng Kanagawa Prefectural Police ang isang insidente na pinag-hihinalaang isang murder-suicide na kaso, ito ay matapos mahulog sa karagatan sa port ng Miura City ang isang sasakyan nuong Martes na nag-resulta sa pagka-matay ng 3 kataong sakay nito, ulat ng NHK.

Bandang alas-2:00 ng madaling araw nang maka-tanggap ang mga awtoridad ng report mula sa isang mangingisda sa Misaki Port sa Fish Market Wharf na may nakita raw itong sasakyan na nahulog sa dagat.

Ayon sa mga pulis, nang dumating ang mga emergency personnel, ini-ahon nila ang 3 katao, isang batang lalaki na tinatanyang mag-eedad na 12 anyos, isang babae na nasa 40 anyos at isa pang ginang na nasa 60 o 70 anyos sa lumubog na sasakyan. Agad na isinugod sa pagamutan ang tatlo ngunit kalauan ay binawian din ng buhay.

Sinabi ng mga pulis na may isang batang lalaki na nag-eedad na 10 taong gulang ang naka-ligtas sa nasabing insidente. Sa ngayon, ito ay may ulirat na at nasa mabuting kalagayan.

Sabi ng bata, ang 3 kataong binawian ng buhay ay miyembro ng kanyang pamilya. Sa kasalukuyan ay inalam na ng mga kapulisan ang pagkaka-kilanlan ng mga pumanaw.

Walang nakitang indikasyon na bumagal o huminto sa pag-andar ang sasakyan bago ito sumalpok sa kongkretong barricade at tumilapon sa karagatan, suspetsa ng mga pulis na sinadya ng driver ang nangyari.

Isang witness din ang nag-sabi na nakita niya ang sasakyan na mabilis ang takbo sa baybayin ng Wharf bago ito sumalpok sa barricade.

Source and Image: Tokyo Reporter

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund