Sa Osaka, ilang mga prewar films ang natagpuan na nagpapa-kita ng araw-araw na pamumuhay, pangangalakal, pakikipag-laro ng sports at pananamit ng mga western clothing ng mga hapon bago sumiklab ang digmaan sa Southeast Asian Island.
Nadiskubre ng mga kaanak sa loob ng tahanan ni Seiei Matsui sa Osaka Prefecture ang limampung 16mm films na mayroong 220 minutos kahaba.
Si Matsui ay isang General Manager ng isang Trading House na naka base sa Manila. Ito ay ang Osaka Boeki Ltd. o mas kilala sa tawag na Osaka Bazar hanggang Enero taong 1934.
Ang nga video ay kuha mula taong 1929 hanggang taong 1939, kung saan ang Pilipinas ay nasa ilalim ng pamamahala ng Kolonial ng Estados Unidos.
Hindi lamang mga sangay ng kumpanya at mga empleyado nito ang nasa video, makikita rin dito ang araw-araw na pamumuhay ng mga hapon kasama na rin ang kapaligiran ng ilan sa mga lugar kung saan mayroong sangay ang nasabing kumpanya tulad ng Manila, Davao at Cebu.
Mula sa kuha ng isa sa mga video, makikita kung paano dinumog ng mga mamimili ang sangay ng Osaka Boeki dahil sa kanilang Christmas Sale. Makikita rin sa video ang mga kalsadang puno ng sasakyan at nang isang modernong lungsod.
Sa isa namang kuha ng video, makikita ang mga gawain sa daungan ng barko, mga trabahador sa noodles factory, mga trabahador sa warehouse at mga empleyadong nagpa-pahinga sa loob ng kanilang company dormitory.
Nuong panahong wala pang digmaan, hindi puro trabaho ang ginagawa ng mga hapon sa Pilipinas. Sa isa sa mga kuha ng video, makikitang marami ang nag-lalaro ng Baseball at Tennis. Ito ay isa sa mga papular na palaro sa bansa. Sa gabi makikita rin sa downtown area ang mga kumukuti-kutitap na karatula sa mga western buildings.
Dahil sa magandang komersyal na mga aktibidad, tinatantiyang nasa mahigit na 20,000 na hapones ang nag-trabaho sa Pilipinas nuong taong 1930.
Sa ilalim ng pamumuno ng mga Amerikano na naninirahan sa bansa, ang Kolonia ng Estados Unidos ay regular na nagho-host sa Far East Championship. Ito ay isang athletics event na nag-tatampok ng mga mang-lalaro mula sa Pilipinas, Tsina at Japan mula taong 1910 hanggang 1930.
Subalit nag-bago ang lahat matapos makipag-digmaan ang Japan laban sa Estados Unidos nuong Disyembre taong 1941.
Mahigit na 100,000 na sibilyan ang pumanaw bilang collateral damage sa digmaang nangyari sa Manila nuong Pebrero taong 1945. Nag-sanib pwersa ang Estados Unidos at Philippine Forces laban sa Japanese Troops.
At bago pa sumuko ang Japan nuong 1945, si Matsui na nag-silbi bilang civilian worker sa ilalim ng Imperial Japanese Army, ay namatay sa pakikipag-laban sa Isla ng Luzon.
Nilarawan ni Shinzo Hayase, isang propesor ng Modern Asian History sa Waseda University at may kaalaman sa kasaysayan ng Pilipinas na ang pag-tuklas at pag-tanaw sa nasabing video ay “napaka-halagang pag-tuklas” dahil ito ay nagpapa-kita na kung ano ang pamumuhay ng mga hapones bago sumiklab ang digmaan.
“Ang mayayaman sa Pilipinas nuong panahon ay nas higit pa sa mga Japanese Elite” ani ng Propesor. “Ang napa-nuod na video kung saan makikita ang isang hapones na nagpapa-takbo ng isang western-style outlet at nag-eenjoy sa sports ay nagpapa-tunay lamang na malaki ang impluwensiya ng host sa komyunidad.”
Sa ika-19 ng Oktubre, ilan sa mga video ay ipapalabas sa Daiwa House Nobuo Ishibashi Memorial Hall sa Hongo Campus ng University of Tokyo mula alas-6:00 ng gabi.
Ito ay free admission ngunit limitado lamang sa unang 125 kataong naka-pila.
Source: The Asahi Shimbun
Image: Seiei Matsui’s Family
Join the Conversation