TOKYO
Inaresto ng pulisya sa Tokyo ang tatlong Colombian na lalaki at isang Peruvian na lalaki sa hinalang pagpasok sa hindi bababa sa 150 na mga bahay at pagnanakaw ng pera at alahas na nagkakahalaga ng 250 milyong yen mula noong nakaraang Nobyembre.
Ayon sa pulisya, tatlo sa grupo ang umamin sa mga paratang sakanila habang ang ikaapat ay hindi umamin, iniulat ng Fuji TV.
Sinabi ng pulisya na ang apat na lalaki ay pumasok sa Japan gamit ang mga pekeng pasaporte.
Simula noong Nobyembre, ang mga target ng akyat bahay gang ay sa Suginami at Ota wards ng Tokyo, pati na rin ang Yokohama. Sinabi ng pulis na karaniwan nilang pinipili ang mga bahay na walang tao at ang mga may-ari ay nagbibiyahe at pinapasok ang mga bahay sa pamamagitan ng mga bintana.
Source: NHK World
Join the Conversation