Ayon sa ulat ng TV Asahi, inaresto ng Saitama Prefectural Police ang 22 anyos na pulis dahil sa pan-loloko umano nito sa pamilya ng isang namatay na lalaki. Ito ay nagawa umano ng pulis upang may ipang-bayad siya sa kanyang smartphone bills.
Nuong ika-27 ng Septyembre, sinabi umano ni Daisuke Ishikawa, isang officer sa Detective Section ng Soka Police Station sa panganay na anak ng isang matandang lalaki (82 ) sa telepono na kailangan nitong mag-bigay ng halagang ¥820,000 cash upang i-bayad sa Post-Mortem Certificate ng yumaong ama.
At nuong sumunod na buwan ay humingi ng karagdagang 2 milyong yen si Ishikawa sa pamilya ng yumao.
Lumabas ang nasabing issue nang komunsulta ang anak sa mga pulis. Inaresto si Ishikawa nuong ika-19 ng Oktubre at ngayon ay nahaharap sa kasong 「Suspicion of Fraud」 at 「Attempted Fraud」.
Sa imbestigasyon, inamin ni Ishikawa ang akusasyon sa kanya, sinabi ng huli na Urawa-Nishi Police Station na nagkaroon siya ng utang na hihigit pa sa ¥200,000 sa consumer-finance companies. “Nagawa ko ito dahil kailangan ko bayaran ang akin mga utang at ang bills ng aking smartphone.”, ani nito sa mga pulis.
Source: Tokyo Reporter
Image: ANN News
Join the Conversation