Nagsasa-gawa ng imbestigasyon ang Chiba Prefectural Police matapos maka-kita ng bangkay ng isang babae sa ilog ng Oamishirasato City nuong Sabado, mula sa ulat ng Yomimuri Shimbun.
Bandang alas-7:35 ng umaga isang mangingisda ang tumawag sa mga pulis, matapos maka-kita ng katawan ng tao na palutang-lutang sa ilog na may isang metrong layo mula sa dalampasigan.
Ayon sa Togane Police Station, kutsilyo ang ginamit sa pag-putol ng braso, binti at ulo ng biktima na pinaniniwalaang umeedad na 30 anyos o higit pa.
Maaaring pinutol ang braso, binti at ulo ng biktima matapos itong bawian ng buhay. At ayon sa mga pulis, pinaniniwalaan din na ito ay ilang araw ng patay bago matagpuan ng mga awtoridad.
Dinagdag pa ng mga pulus na ang biktima ay walang saplot sa katawan at walang nakitang personal na kagamitan sa lugar ng pibanyarihan na maaaring pagka-kilanlan sa biktima.
Gagamitin ng mga awtoridad ang resulta mula sa autopsy na ginawa sa biktima upang matukoy ang sanhi ng pagka-matay at malaman ang identity nito. Ang kasong ito ay itinuturing na “abandonement and distruction of a corpse.”
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation