Nag-bigay ng pahayag ang Imperial Household Agency nuong Lunes, na sa unang pagkaka-taon, mag-sasanib pwersa ang ahensiya at lokal na pamahalaan upang hukayin ang sina-una at pinaka-malaking puntod sa Japan.
Pinag-hihigpitan ng ahensya ang pagsasa-liksik sa Daisen Kofun, ito wy unang itinayo nuong ika-limang siglo at opisyal na itina-lagang “Tomb of Emperor Nintoku”, sinabi rin ng ahensya na ito ay libingan ng pamikya ng emperiyo at dapat panatilihin ang kapayapaan at pagka-sagrado ng lugar.
Ang excavation survey sa isa sa dike na naka-palibot sa malaking libingan sa Sakai, Osaka Prefecture ay mag-sisimula sa susunod na buwan. Ito ay magiging bahagi ng pagsi-sikap na i-preserve ang naturang libingan na isinasa-gawa ng lokal na pamahalaan. Ang mga resulta ay ipa-publish sa katapusan ng Nobyembre.
Una itong sinaliksik ang dike taong 1973, kung saan naka-diskubre ang ahensya ng ilang clay figures na ginagamit umano sa mga ritual.
Ang pag-sanib sa pananaliksik ng dalawang panig ay tumaas lalo na sa akademiya at iba pa. Sa kadahilanang nasisira na ang lupa na kinatitirikan ng puntod dahil sa tubig na naka-palibot rito. Ina-asahan ng ahensya ang magiging resulta ng pagsasaliksik bago ito maka-gawa ng reinforcement work.
Pahayag nang isa sa opisyal ng ahensya, sinasang-ayunan na rin ng ahensya na makipag-tulungan sa lokal na pamahalaan na matagal nang pina-ngangalagaan ang nasabing Cultural Asset.
Nag-hahanap ang Japan ng mag-rerehistro ng isang ancient tumulus cluster na sasakop sa Daisen Tomb upang mapa-bilang sa UNESCO World Cultural Heritage Site.
Ang nasabing libingan ay kilala na kabilang sa 3 pinaka-malalaking puntod sa buong mundo. Ang mga kabilang rito ay ang “Mausoleum of First Qin Emperor” ng Tsina at “The Great Pyramid of Khufun” ng Ehipto.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation