Pilipinas at Japan, pinag-uusapan ang kasunduan ng pag-bibisita

Usapin sa pag-gamit ng Japan sa mga base militar ng Pilipinas, tinatalakay pa rin.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Ang Japanese Maritime Self-Defense Forces Submarine Oyashio ay gumawa ng Port Call sa Subic Bay, sa pangunahing isla ng Pilipinas nuong taong 2016.

Manila (Kyodo)- Tinatalakay pa rin ng Pilipinas at Japan ang kasunduan na magpapa-hintulot sa mga pwersang pang-depensa ng Japan na regular na gamitin ang base militar sa lupain ng Pilipinas, ito ay ayun sa isang Japanese defense official na bumisita sa Pilipinas nuong Miyerkules.

Ang kasunduan, ang ideya kung saan iminungkahi sa ilalim ng dating pangangasiwa ni Pangulong Benigno Aquino sa pagitan ng 2010 at 2016 ay tinatalakay sa antas ng “patakaran” ng dalawang pamahalaan, sinabi ni Maj. Gen. Satoru Nomura ng Ground Self-Defense Force sa Kyodo News.

Nag-salita mula sa isang seremoniya na nag-tatala ng pagta-tapos ng 10 araw na joint defense exercise kasama ang tropa ng Pilipinas, Estados Unidos at Japan. Si Nomura, direktor ng bilateral coordination ng GFDF Ground Component Command ang nag-sabi na patuloy na nakikipag koordinasyon ang Tokyo at Manila tungkol sa nabanggit na usapin.

Tinatantiyang umabot sa 100 GSDF na tropa ang sumali sa naturang pag-sasanay na tinawag na “KAMANDAG”. Kabilang rin sa mga sumali sa nasabing pag-sasanay ang mahigit 1000 sundalo ng Estados Unidos at Pilipinas.

Kabilang sa pag-sasanay ay ang drill kontra-terorismo, pati na rin ang humanitarian assistance at disaster relief operations sa loob at labas Luzon, ang pangunahin isla ng Pilipinas.

Ang mga kalahok na hukbo ay gumagamit ng armored amphibious vehicles at support aircrafts, at nakiki-bahagi sa live-fire na pag-sasanay habang nag-sisimulation.

Source and Image: The Mainichi

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund