Pinapayuhan ng mga weather officials ng Pilipinas ang mga residente upang doblehin ang pag-iingat at maging handa sa paparating na malakas na bagyo sa bansa.
Inaasahang lumapag ang bagyo sa isla ng Luzon ng linggo ng gabi o madaling araw ng lunes.
Ayon sa Meteorological Agency ng Japan, bandang alas-5:00 ng hapon Philippine time namataan ang ika-26 a bagyo ngayong taon na patuloy umaandar patungong kanluran na may bilis na 15 km per hour at may lakas na umaabot sa 270 km kada oras.
Ang bagyong Yutu ay dumaan sa Isla ng Mariana sa Saipan 3 araw ang nakalipas. Isang babae ang binawian ng buhay matapos ma-bagsakan ng gumuhong gusali.
Mahigit 130 katao ang kasalukuyang nasa ospital dahil sa pinsalang natamo.
Ipina-kita sa isang footage ang ilang kabahayan na natanggalan ng bubong at mga tumbang electric posts.
Mahigit 800 katao ang pansamantalang naninirahan sa mga shelter. Kasalukuyang walang elektrisidad at supply ng tubig sa ilang lugar ng nasabing isla.
Source and Image: NHK World
Join the Conversation