Dalawa sa malaking retail store sa Shibuya District, Tokyo ang nag-pahayag na hindi mag-bebenta ng serbesang naka-bote sa kanilang mga outlet ngayong darating na Halloween.
Ang desisyon tungkol sa hindi pag-benta ng mga alak mula sa major japanese discount chain na Don Quijote at convenience store operator na Lawson ay bilang tugon sa paki-usap ng Shibuya Ward. Naki-usap ang lokal na administrasyon sa mga tindahan malapit sa Shibuya Station upang mahadlangan ang mga lasing na party goers na maka-gambala ng ibang tao.
Nitong mga nag-daang taon, ang tawiran sa tapat ng Shibuya Station at mga katabing kalsada ay naging tambayan ng mga nagse-celebrate ng Halloween sa gabi ng ika-31 ng Oktubre.
Ilang residente na ang nag-sampa ng reklamo dahil sa ingay ng mga nagpa-partyhanggang dis oras na ng gabi at ang sobrang dami ng kalat na iniiwan nito sa kalsada pagka-tapos ng nasabing kasiyahan.
Ang Don Quijoteoutlet ba malapit sa Shibuya Station ay hindi mabe-benta ng mga de boteng alak sa araw ng Miyerkules nitong darating na Linggo. Ito ay mag-sisimula ng ala-6:00 ng gabi hanggang ala-6:00 ng umaga ng Huwebes.
Ganun din ang gagawin ng Lawson sa 6 na branch nito na malalapit sa Shibuya Station. Mula ala-6:00 ng gabi ng Miyerkules hanggang ala-6 ng umaga ng Huwebes.
Source and Image: NHK World
Join the Conversation