Sinasabi ng pamahalaan ng Hapon na malamang na ang na-kidnap na journalist na si Jumpei Yasuda ay pinalaya na ng mga militante sa Syria.
Sinabi ng Punong Kalihim ng Gabinete na si Yoshihide Suga sa isang dinaluhan na conference na may balita noong Martes ng gabi galing sa mga awtoridad ng Qatari sa Japan na maaaring napalaya na si Yasuda.
Ayon kay Suga, sinabi ng mga awtoridad ng Qatari sa mga opisyal ng Japan na ang Japanese journalist ay nasa pasilidad ng imigrasyon sa Turkish city ng Antakya.
Sinabi rin niya na ang mga magagamit na impormasyon ay nagpapahiwatig na ito ay malamang na ang pinakawalan na si Yasuda at ang pamahalaan ay agad na pinaalam sa kanyang asawa ang balita.
Ngunit idinagdag ni Suga na maaaring matagalan pa ang proseso ng pag identify sa nawawalang journalist.
Nawawala si Yasuda noong Hunyo 2015 matapos siyang mag-cross sa border ng Turkey at Syria ma-cover ang digmaang sibil sa bansa.
Noong Marso 2016, ang isang video na nagpapakita na nabihag ang journalist ay nai-post sa Internet.
Pagkalipas ng dalawang buwan, ang isa pang video ay na-upload. Nagpakita ito ng isang taong pinaniniwalaan na nawawala na mamamahayag na may hawak na isang papel na may mensahe sa wikang Hapon – “Mangyaring tulungan nyo ako. Ito ang huli ko ng pagkakataon.”
At noong Hulyo sa taong ito, 2 na video ang na-post online kung saan ang isang tao na pinaniniwalaan na si Yasuda ay nag-apela para sa tulong.
Nagsalita ang ina ni Yasuda sa NHK sa telepono. Sinabi niya, “Kung ang impormasyon ay totoo, masaya lang ako. Gusto kong pasalamatan ang lahat dahil sa pagtulong sa amin, at ikinalulungkot ko na naging sanhi kami ng pag-aalala ng lahat.”
Source: NHK World
Join the Conversation