Sinabi ng mga mananaliksik na hapon na bumuo ng isang smartphone application na maaaring maka-tulong sa pag-lisan o evacuate ng mga residente kapag nagkaroon ng Tsunami.
Ang bagong app ay binuo ng isang pangkat ng mga mananaliksik mula sa International Research Institute of Disaster Science ng Tohoku University at Fujitsu Laboratories sa pakikipag-tulungan ng lungsod ng Kawasaki na malapit sa Tokyo.
Ang baybayin ng Kawasaki ay inaasahang maabot ng isang Tsunami hanggang 3.7 metro kataas kapag nagkaroon ng malakas na lindol. Mapipilitang lumikas ang mahigit 340,000 residente na naninirahan sa nasabing lugar.
Ayon sa mga mananaliksik, ang smartphone app ay ga-gamit ng GPS DATA upang mahanap ang pinaka-malapit na ruta sa isang preset evacuation sir.
Ang mga user ng app ay maaaring mag-bahagi ng impormasyon tungkol sa mga bahang lugar o mga gumuhong gusali sa pamamagitan ng pag-post ng komento at larawan.
Ayon sa mga developer, ang mga datos ay makukuha mula sa mga disaster drills na gumagamit ng app. Ang pag-gamit nito ay magiging kapani-pakinabang dahil sa pag-gamit nito, malalaman kung saan o aling ruta ang puno ng tao sa panahon ng evucuation.
Ang pangkat ng mga mananaliksik ay nag-nanais na magsa-gawa ng isang drill sa Kawasaki sa Disyembre, ito ay para subukan ang nasabi application at mapag-aralan ang nasabi act.
Sinabi ni Yusuke Oishi ng Fujitsu Laboratories , nais niya lumikha ng isang sistema na maaaring maka-tulong sa mga residente upang magkaroon ng kooperasyon sa bawat isa at upang maging epektibo ang pag evacuate ng lahat.
Source and Image: NHK World
Join the Conversation