Ang cleaners, nursing care, restaurant at hotel staff ang mga kabilang sa mga dayuhang mang-gagawa na mai-imbitahan sa Japan sa ilalim ng planong pagpapa-lawak ng imigrasyon upang matugunan ang kakulangan ng mang-gagawa sa bansa.
Ang gobyerno ay isasa alang-alang ang pag-kuha ng mga mang-gagawa sa 14 na industriya sa ilalim ng imi-nungkahing 「Specified Skill」, na isang kategorya sa binagong Residence Status Program. Ayon sa mga sources, bagama’t kabilang sa listahan ang trabwhong 「Food Service」 at 「Lodging Industries」 na kasalukuyang naka-bukod at nasa ilalim ng Technical Intern Training Program.
Ang Ministry of Justice ay nagpa-plano nang isulong at makipag-ugnayan sa mga ministro at ahensya na may kaugnayan sa nasabing usapin. Upang mapag-desisyonan kung saang industriya at trabaho naa-angkop na Ministerial Ordinance ito matapos mai-pasa ang bagong batas.
Nag-babalak ang gobyerno na mag-pasa ng legislasyon upang baguhin ang Immigration Control Law sa extra ordinary DIET session na mag-sisimula sa ika-24 ng Oktubre.
Ilang serye ng pag-pupulong upang repasuhin ang batas sa loob ng Judicial Affairs Division nang namumunong partido ng Liberal Democratic Party na nag-simula nuong ika-22 ng Oktubre. Kaagad na naka-tanggap ng hindi pagsang-ayon mula sa sariling miyembro ng DIET ang nasabing panukala. Marami ang nagpa-hayag ng alalahanin sa bagong Residence Status matapos mag-bigay ng briefing sa outline ng revised legislation.
Sinabi ng isang mamba-batas, “Masyadong mabilis ang pag-susulong ng usapin sa bagong programa, kung saan ang kasalukuyang problema na naka-paligid sa Technical Intern Training Program ay hindi pa nare-resolba.”
“Naayos na ba ang budget para sa Child Education Costs kung sakaling maaaring dalhin ng migrant workers ang kanilang mga batang anak?” tanong pa ng isa.
Naka-schedule ang mga miyembro ng Judicial Affairs Division na humingi ng input o datos sa mga representative ng iba’t-ibang industriya na humaharap sa matinding kakulangan ng mang-gagawa tulad ng Municipal Government, Labor Unions at Jappan Federation of Bar Associations sa mga petsang ika-23 hanggangika-25 ng Oktubre.
Ani ng Division Director na si Gaku Hasegawa sa pag-pupulong nuong ika-22 ng Oktubre, “Na-realize namin na napaka-bigat ng issue tungkol sa Labor Shortage, pina-plano namin na ito ay masinsinang mapag-usapan at ma-aksyunan ng mabilis.”
14 na industriya na ikinu-konsidera ng gobyerno para sa bagong residence status:
1. Nursing Aid para sa matatanda
2. Building Cleaning
3. Farming
4. Fishery
5. Food and Beverages Production
6. Food Services (Restaurant, Coffee Shops, Bars)
7. Material Fabrication (Metal Casting )
8. Industrial Machinery Production
9. Electronics and Electric Appliance related
10. Construction
11. Ship Building and Marine Equipment
12. Automobile Maintenance
13. Aviation Service
14. Lodging (Hotels)
Source and Image: Asahi Shimbun
Join the Conversation