OSAKA – Isang mag-asawa na ang sanggol ay ipinanganak na may cerebral palsy at namatay bago mag dalawang taong gulang ay idinemanda ang maternity clinic dahil sa inutusan nito ang ina na gamitin ang balance ball noong sya ay nagle-labor at nahulog nang gamitin ito.
Sinabi ng mga magulang na ang pagkahulog niya ang naging sanhi ng kapansanan ng kanilang sanggol at kamatayan, sila ay humihiling ng 90 milyong yen ($ 803,070) sa mga pinsala sa isang kaso na isinampa laban sa klinika at isa sa mga doktor nito sa Osaka District Court.
Sa unang pagdinig ng kaso sa Oktubre 24, ang mga kinatawan para sa klinika sa Higashi-Yodogawa Ward ng Osaka at ng doktor ay nagsabing lalabanan nila ang demanda.
Ang mga nagrereklamo ay pareho na nasa kanilang 30s at ngayon ay nakatira sa Yamanashi Prefecture.
Ang mga balance ball, na kilala rin bilang mga exercise ball o labor balls, ay isang bola na gawa sa elastic material na puno ng hangin sa loob. Ang mga ito ay ginagamit para sa pisikal na therapy at ehersisyo, at sa ilang mga klinika ng maternity at mga maternity center sa Japan upang makatulong sa pag-alis ng sakit ng labor, ayon sa mga health maternity service workers.
Ipinakita ng mga dokumento ng korte na ang babae ay sumangguni sa klinika noong Hunyo 2013 pagkatapos mapunit ang kanyang water bag.
Inilagay niya sa kanyang itaas na bahagi ng katawan ang balance ball na nakalagay sa kanyang kama, ngunit nawalan siya ng balanse at siya ay nahulog, ayon sa mga dokumento.
Pagkatapos ay nagpasya ang doctor na siya ay sumailalim sa cesarean operation dahil nag rupture o napunit ang kanyang matres.
Ang anak ng mag-asawa ay ipinanganak ng nasa kritikal na kundisyon at nagkaroon ng cerebral palsy.
Namatay ang sanggol noong siya ay nasa ika 19 na buwan.
Nagtalo ang mga nagsakdal na ang pagkasira ng matris ay sanhi ng pagbagsak ng ina noong siya ay sinabihan na gamitin ang ball balance.
Sinabi nila na ang klinika ay biglang nag-utos sa kanya na gumamit ng balance ball, na hindi pa siya naka experience na gumamit ng balance ball at walang nurse na tumulong sa kanya.
Ang mag-asawa ay nakaranas ng emotional stress dahil sa medical malpractice na natamo at sa pag-aalaga sa kanilang sanggol na may karamdaman.
Sinabi rin ng ulat na “nais nila na maging leksyon ito sa mga clinic na gabayan at ipaliwanag ang paggamit ng balance ball para sa kaligtasan ng mga pasyente.”
Sinabi ng ama na umaasa siya na “makuha ang hustosya at mga sagot kung bakit kailangang mamatay ang kanilang anak. ”
Ang isang abogado na kumakatawan sa klinika at ang doktor ay tumanggi na magkomento sa kaso.
Source: Asahi Shimbun
Join the Conversation