Kumpirmadong Meteorite ang batong tumama sa isang bahay sa Achi Prefecture

Batong bumagsak sa bubungan ng isang garahe sa Komaki, Achi Prefecture, kumpirmadong Meteorite.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Ito ang larawan ng meteorite na tumam sa isang residential area sa Komaki, Achi Prefecture.

Komaki, Aichi Prefecture- Ang batong bumagsak at sumira sa bubong ng isang garahe ng isang bahay nuong buwan ng Septyembre na tumama sa isang gusali sa Japan  at kauna-unahan sa loob ng 15 taon ay kinumpirma na isang Meteorite.

Ang specimen na kasing laki ng kamao ay may sukat na 10.5 cm x 8.5 cm x 4.5  cm at may timbang na 550 grams. Ayon sa National Museum of Nature and Science, pinaniniwalaan na ito ay nabuo nuong nabuo ang Solar System  4.6 bilyong taon na ang nakalipas.

Binerify ng museo ang pinag-mulan ng nasabing bato matapos maka-tanggap ng kahilingan na ito ay suriin. Tinawag ito na Komaki Meteorite.

Ayon sa kwento nang may-ari ng bahay na si Shingo Naito, 71 taong gulang, ng Kumatsuji District, bandang alas-10:30 ng gabi ng Septyembre 26,  bago pa man matulog ay naka-rinig sila ng malakas na tunog sa labas ng kanilang tahanan.

“Naka-rinig ako ng malakas na kalabog.” ani ng matanda. “Sa loob ng 40 taong pag-tira ko rito, ngayon lamang ako naka-rinig ng ganon kalakas na tunog!”

Kinabukasan ay nakita ng may bahay ni Naito ang bato sa lupa sa tapat ng kanilang pintuan. Smantalang nakita rin nila na butas ang bubungan ng kanilang garahe na may 5 metro ang layo mula sa pinag-kitaan sa Meteorite. Mabuti na lamang at walang napinsala nang ito ay mangyari.

Larawan ng butas na bubungan ng garahe ni Shingo Naito.

“Ito ay isang residential area, mabuti at wala itong natamaan.” sambit ng residente.

Ang huling Meteorite na bumagsak sa isang gusali sa Japan ay sa Hiroshima nuong taong 2003. Ito ay tinawag na Hiroshima Meteorite.

Kapag naging sertipikado, ang Komaki Meteorite ay kikilalaning ika-52 na recognized meteorite ng Japan. Ang ika-51 ay ang Nagara Meteorite na bumagsak sa Gifu Prefecture nuong Pebrero nitong taon.

Inaasahan na ia-apply na ng museo ang pag-rehistro sa pinaka bagong bato sa Meteoritical Society. Ito ay isang organisasyon para sa mga Meteoritics at Planetary Science.

Source and Image: The Asahi Shimbun

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund