Ang mga leaflet na nagsasabi sa mga banyagang turista sa Ingles o Chinese kung ano ang gagawin kapag may dumating na isang natural na kalamidad tulad ng bagyo o lindol ay ipinamigay sa Kansai Airport sa kanluran ng Japan noong Martes.
Ang mga leaflet sa wikang Ingles at Chinese ay ginawa ng Osaka Prefecture at isang pangunahing life insurance company.
Nilikha ang mga ito pagkatapos ng isang malaking lindol at isang malakas na bagyo ang tumama sa rehiyon noong Hunyo at Setyembre ayon sa report, at ang kakulangan ng impormasyon sa wikang banyaga ay nagresulta ng pagkalito sa mga turista.
Halimbawa, ipinakikita ng mga leaflet, kung paano matiyak ang kaligtasan kapag may malakas na lindol.
Isang QR code na maaaring i-scan ng mga tao sa kanilang mga smartphone upang ma-access ang website ng prefectural at makakuha ng impormasyon tungkol sa mga sakuna at trapiko ay naka-print din sa mga leaflet.
Sinabi ng isang turista mula sa Alemanya na natutunan niya mula sa mga leaflet na ang isang tao ay dapat sumilong sa ilalim ng mesa kapag may naganap na lindol. Idinagdag niya na ang mga leaflet ay kapaki-pakinabang para sa isang katulad niya, na hindi marunong magsalita ng wikang Hapon.
Available ang mga leaflet sa paliparan pati na rin sa mga opisina ng tourist information ng prefecture.
Source: NHK World
Join the Conversation