Isang ina na inakusahan sa pag-patay sa sariling anak, hindi umaamin sa kasalanan

Not guity ang plea ng isang ina matapos akusahan ng pag-patay sa sariling anak.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Sachika Tabata, 24 anyos

Isang 24 anyos na babae ang inakusahang pumatay sa sariling anak na 2 buwang gulang pa lamang. Nilagyan umano ng suspek ng hypertension drugs at iba pang gamot ang gatas na iniinom ng sanggol nuong Disyembre taong 2016. Nag-plead ng not guilty ang nasasakdal sa opening session ng kanyang pag-lilitis nuong Lunes sa Tokyo District Court.

Ayon sa indictment, si Sachika Tabata ay inaresto nuong July 2017 dahil sa pag-lagay umano ng gamot para sa highblood pressure sa gatas na iniinom ng 2 buwang gulang sanggol na si Shion nuong December 29, 2016 sa loob ng kanilang tahanan sa Meguro Ward, mula sa ulat ng Fuji TV. Hindi kalaunan ay binawian rin ng buhay ang sanggol dahil sa komplikasyon.

Ang sanggol ay ipinanganak ng kulang sa timbang kung kayst ito ay nanatili sa hospital, at pagkaraan ng isang linggo ang bata ay ipina-uwi na sa piling ng ina.

Nagkaroon ng kasagutan ang kaso matapos lumabas ang resulta mula sa autopsiya na ginawa sa labi ni Shion. Nakita ang bakas ng gamot na kaparehas nang gamot na nakita sa loob ng tahanan ng suspek.

Nuong mga panahon bago pumanaw si Shion, siya at ang kanyang ina na si Tabata ay nakatira kasama ang disabled na ina ng suspek. Ang huli ay umiinom ng gamot para sa Highblood Pressure at Diabetes. Ayon sa mga awtoridad, si Tabata lamang ang namamahala at nagko-control sa gamot ng ina kung-kaya’t ang suspek lamang ang may access sa mga ito.

Pinaniniwalaan ng mga prosekyutor na alam ng suspek ang masamang idudulot nito sa bata. Ngunit ikinaila ng suspek na nilagyan niya ng gamot ang gatas na iniinom ng kanyang anak.

Sa opening statement nuong Lunes, sinabi ng mga prosekyutor na ang ama ng bata ay kostumer ng suspek sa Hostess Club na pinag-tatrabahuhan nito. Wala nang kaugnayan ang suspek sa nasabing lalaki at hindi nito gusto ang magkaroon ng anak.

Sinabi naman ng abogado ni Tabata na walang ebidensiyang nag-tuturo na talagang ang suspek ang nag-lagay ng gamot sa gatas ng sanggol at wala rin motibo ang nasasakdal upang kitilin ang buhay ng sariling anak. Sa katunayan pa nga kababakuna lamang ng Flu shot ang bata bago ito nasawi.

Source: Japan Today

Image: ANN News

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund