Hindi pangkaraniwang pagsibol ng cherry blossoms, nasilayan sa mid-October

Ang isang serye ng mga bagyo ay maaaring nagresulta sa isang hindi pangkaraniwang phenomenon sa panahon ng taglagas ngayong taon. Ang mga puno ng Cherry blossoms na karaniwang namumulaklak sa spring ay namumulaklak ngayong mga  nakalipas linggo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Image: NHK World

Ang isang serye ng mga bagyo ay maaaring nagresulta sa isang hindi pangkaraniwang phenomenon sa panahon ng taglagas ngayong taon. Ang mga puno ng Cherry blossoms na karaniwang namumulaklak sa spring ay namumulaklak ngayong mga  nakalipas linggo.

Ang isang pribadong kumpanya ng weather information ay nakatanggap ng 354 na mga ulat na namumulaklak na ang mga puno ng cherry sa malawak na lugar ng Kyushu, western Japan, hanggang sa prefecture ng Hokkaido ng nakaraang Linggo.

Ang Tree Surgeon na si Hiroyuki Wada ay nagsasabi na ang popular na iba’t ibang uri ng Somei-yoshino ay namumunga ng buds tuwing summer. Ngunit hindi sila karaniwang namumulaklak dahil ang mga dahon ng puno ay naglalabas ng hormones upang mahinto ang mga buds sa pamumulaklak.

Sinabi niya sa taong ito na maaaring ang mga puno ay nalagas ang kanilang mga dahon dahil sa marahas na hangin ng bagyo o nalanta dahil sa salt exposure.

Sinabi ni Wada na dahil sa mas mainit ang temperatura matapos ang mga bagyo ay malamang ang nagtulak sa mga buds upang mamulaklak.

Source: NHK World

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund