Gamot para sa Skin Cancer, aprubado ng FDA

Gamot para sa isang skin cancer, inaprubahan na ng FDA.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
FDA approve ang bagong gamot para sa Skin Cancer.

Sa Washington, sinabi ng Sanofi na ang gamot sa Skin Cancer na ginawa kasama ang Regeneron Pharmaceuticals Inc. ay inaprubahan na ng U.S Food and Drug Administration.

Ang gamot na Libtayo ay gina-gamit upang gamutin ang rare-form ng skin cancer para sa mga pasyensteng hindi pa na-iimprove ang kalagayan matapos maoperhan o ma-chemotherapy.

Ang Metastatic Cutaneous Squamous Cell Carcinoma ay ang ikalawang-pangkaraniwang uri ng skin cancer, ito ang dahilan ng pagka-matay ng mahigit kumulang na 7,000 katao sa Estados Unidos kada taon, pahayag ni Sanofi.

Ang Libtayo ay nagbo-boost ng immune system upang labanan ang cancer, ito ay ibebenta sa Estados Unidos sa halagang 9,100 dolyares para sa 3 linggong treatment cycle.

Ang Cancer Immunotherapy ay naging fast-growing segment na 1 bilyon kada taon sa cancer drug market. At ito rin ay inaasahang aabot sa pinaka-mataas na bentahan na nagkaka-halaga nang 25 bilyon dolyares hanggang sa taong 2021, ayon sa analyst forecast na binuo ni Thomson Reuter.

Nag-sanib ang  Sanofi Genzyme, Specialty Care Unit at Regeneron sa pag-benta ng Libtayo sa Estados Unidos.

Source: Japan Today

Image: RDMag

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund