Bilang ng mga dayuhan na na-deport mula Japan dahil sa ilegal na pag-tatrabaho umabot na sa 16% sa unang bahagi pa lamang ng taong 2018

Patuloy na tinutugis ng mga opisyales ng ministro ng Japan ang mga dayuhang nagta-trabaho ng ilegal sa bansa.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Bilang ng illegal workers sa Japan, patuloy ang pag-taas.

Umabot ng 16.5 % ang bilang ng mga dayuhang idineport kumpara sa bilang na 7,892 nuong nakaraang taon mula Enero hanggang Hunyo dahil sa pag-labag sa Immigration Law, inanunsyo ng Ministro ng Japan.

Mataas ang bilang ng taong bumibisita sa bansa upang makipag-sapalaran sa pag-tatrabaho ng ilegal. Ito ay sa gitna nang pag-taas ng bilang nang bisita mula sa ibang bansa, dagdag pa ng opisyal ng mga ministro nuong Biyernes.

Sa kabuuan, halos 4,889 o 61.9%  ang na deport dahil sa ilegal na pag-tatrabaho.

1,366 sa mga ito ay nag-trabaho sa industriya ng agrikultura, 907 sa konstruksyon at 849 sa mga pabrika. Halos sa mga ito ay nagta-trabaho sa mga prepektura ng Tokyo, Ibaraki at Chiba.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund