Ang popular na Japanese class para sa mga nanay sa Toyota

Ang magandang feature ng klase ay ang pagkakaroon ng nursery volunteers na magbabantay sa mga anak ng estudyante sa isang hinandang play area sa sulok ng classroom at maaaring puntahan ang anak kapag ito ay umiyak. 

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Image: Chunichi

Ang Japanese classroom na “TIA Japanese Salon” para sa mga dayuhang nanay ay binuksan ng Toyota City International Association (TIA) at naging popular ngayon sa mga nanay.

Ang kurso ay napaka-mura at suportado ng mga Japanese volunteers katulad ng mga housewives at mga retirees.

Ito ay ginaganap tuwing Miyerkules ng alas-10 ng umaga sa Toyota Global Square (Kosaka Honcho). Ito ay may friendly environment na may tatlo o apat na volunteer na hinahati sa mga group ng 10 katao at nahahati depende sa level ng Japanese.

Ang half-year program ay gaganapin mula Abril hanggang Oktubre. Mahigit 70 katao ang lumahok ngayong taon. Ang tuition fee ay nakabase gastos para sa teaching material costs na nasa bandang 1,000 yen lamang kada buwan. Ang nga kalahok ay mga ginang na mula sa Brazil, China, Philippines, atbp.

Ang magandang feature ng klase ay ang pagkakaroon ng nursery volunteers na magbabantay sa mga anak ng estudyante sa isang hinandang play area sa sulok ng classroom at maaaring puntahan ang anak kapag ito ay umiyak.

Ito ay para sa mga nanay na matulungan sa kanilang Japanese language skills at para hikayatin sila na lumabas sa kanilang bahay at mas maging aktibo sa komunidad.

Source: Chunichi.co.jp

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund