Ang ika-26 na bagyo ng season ay naging isang “super typhoon”

Ang malakas na bagyong Yutu ay mabilis na lumalaki sa Pacific at naging isang "super typhoon," na may pinakamataas na bilis ng hangin na 215 kilometro o higit pa bawat oras na malapit sa sentro nito.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Image: NHK World

Ang malakas na bagyong Yutu ay mabilis na lumalaki sa Pacific at naging isang “super typhoon,” na may pinakamataas na bilis ng hangin na 215 kilometro o higit pa bawat oras na malapit sa sentro nito.

Sinabi ng Meteorological Agency ng Japan na noong Huwebes, ang ika-26 na bagyo ng panahon ay lumilipat papuntang kanluran malapit sa mga Isla ng Mariana na may gitnang barometric pressure na 905 hectopascals.

Ang bagyo ay may pinakamataas na bilis ng hangin na 305 kilometro bawat oras, na maituturing itong pinakamalakas sa taong ito.

Ang bagyong Yutu na patuloy na lumipat sa kanluran at lumalapit sa Pilipinas sa kalagitnaan ng susunod na linggo.

Sinabi ng ahensiya na ang bagyo ay maaaring maging sanhi ng mataas na alon mula sa malayong isla ng Okinawa ng Japan.

Sinabi ng Associate Professor na si  Hironori Fudeyasu ng Yokohama National University na naniniwala siya na ang Yutu ay nabuo ng napaka bilis at ito ay dahan-dahan na lumilipat sa isang lugar na may mataas na temperatura sa malalim na dagat. Idinagdag niya na ang lugar sa silangan ng Pilipinas ay madalas na linalapitan ng mga bagyo.

Sinabi ni Fudeyasu na nagdadala ng malakas na hangin ang Yutu at maaaring maging sanhi ng bagyo sa mga lugar sa baybayin. Idinagdag niya na ang mga tao sa Pilipinas at iba pang mga bansa sa landas nito ay kailangang mag-ingat.

Source: NHK

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund