Share
Ang isa sa 2 runway sa Narita International Airport, malapit sa Tokyo, ay sarado kasunod ng pagtuklas ng isang unexploded na bomba. Ang paliparan sa Narita ay pangunahing internasyonal na sentro ng Japan.
Ang mga opisyal sa airport ay nagsabi na ang mga manggagawa sa konstruksiyon ang nakakita ng device malapit sa runway-A noong umaga ng Huwebes.
Sinabi ng mga pulis na maingat nilang sinuri ang site at nagdala sila ng isang espesyal na sasakyan na ginawa upang alisin ang mga eksplosibo.
Sinabi ng mga opisyal ng paliparan na ang iba pang runway ay normal na nago-operate.
Source: NHK World
Join the Conversation