Ang Japanese travel agency na H.I.S. ay nagkansela ang mga tour package ng kasal sa Hawaii sa 260 na mag-asawa dahil sa mga pagkaantala sa construction ng lugar na tutuluyan.
Ang kumpanya ay nagsabi na ang mga mag-asawa ay nagpareserba para sa kanilang mga tour at fully book na hanggang Setyembre ng susunod na taon. Ang mga tour ay naibenta noong nakaraang Disyembre na naka-sale.
Ang pasilidad sa isla ng Oahu ay nakatakda sanang buksan sa ika-1 ng Setyembre.
Sabi ng H.I.S. operator, ang pasilidad ay nagbigay ng abiso sa pagka-delaued ng construction noong ika-15 ng Agosto, dahil sa masamang panahon at iba pang mga dahilan.
Dagdag pa ng kumpanya na ito ay magbabayad ng compensation at magbigay ng refund sa mga customer nito, pati na rin ang pagbabago ng mga lugar kung hiniling.
Humingi ng paumanhin ang H.I.S. sa mga customer dahil sa mga damage at pag-alala ng mga ito dahil sa sitwasyon.
Sinabi ng isang kostumer na NHK na siya ay tumatangging tanggapin ang compensation, sa mga kadahilanan na ang pakikitungo ng kumpanya sa kanya ay hindi tapat. Sinabi niya na maaaring mayroong isang mas mahusay na solusyon kung ito ay ipinaala sa kanya ang tungkol sa pagkaantala ng mas maaga.
Source: NHK World
Join the Conversation