Tini-tipon ngayon ng mga opisyal ng prepektura ng Gifu sa Japan ang mga alagang baboy dahil sa pag-laganap ng Swine Fever.
Ayon sa mga opisyal, nagkaroon ng tinatantyang 80 baboy na namatay mula Lunes hanggang Sabado sa isang farm sa lungsod ng Gifu.
Base sa pag-susuring isina-gawa ng gobyerno, ang mga baboy na namatay ay naging positibo sa Swine Fever Virus o kilala din sa tawag na Hog Cholera.
Nuong Linggo ng umaga ay inumpisahan nang lipunin ng mga opisyal ang mahigit na 160 na baboy sa farm at kabilang na dito ang mga namatay na baboy dahil sa naturang epidemya. Ayon sa pahayag ng mga opisyal, tinatantyang matatapos ang kanilang trabaho ng umaga ng Lunes.
Pansamantalang ipina-tigil ng mga awtoridad ng prepektura ang pag-aangkat ng baboy sa mga lugar na napapa-loob sa 10 km radius mula sa farm upang maiwasan ang pagkalat ng epidemya.
Nagsa-gawa na rin ng pag didis-infect ng mga sasakyang pinag-gagamitan sa mga hayop sa 5 lugar sa nasabing lungsod.
Source and Image: NHK World
Join the Conversation