Suspek sa pag-patay kay Junko Furuta, arestado 3 dekada ang nakalipas

Isa sa salarin sa pag-patay kay Junko Furuta, muling naaresto dahil sa salang attempted murder.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Junko Furuta

Nuong tanghali ng ika-19 ng Agosto, pinalo umano ni Shinji Minato ang isang 32 anyos na mang-gagawa ng isang kompanya. Binambo umano ng suspek ang kanang bahagi ng balikat ng biktima gamit ang isang metal na baton sa isang kalsada sa lungsod ng Kawaguchi. Nilaslas rin umano ng suspek ang leeg ng biktima gamit ang isang patalim.

Ayon sa mga pulis, ang biktima ay agad na dinala sa pagamutan, ito ay may ulirat at walang malalang pinsala.

Nuong oras ng pag-aresto kay Minato 45 anyos, ang mga mamahayag ay wala masyadong impormasyon na ibinigay tungkol sa suspek maliban sa ito ay walang trabaho. Ngunit may mga impormasyon ukol dito na langad na sa karamihan. Si Minato ay kasama sa 4 na kabataan na hinatulan sa pag-patay kay Junko Furuta,  17 anyos. Ang karumal-dumal na pangyayari ay naganap nuong taong 1989 kung saan isinilid ang labi ng biktima sa isang oil tank at nilagyan ng semento at saka itinapon sa Keto Ward, ayon sa pahayag ng Josei Seven.

Nuong Nobyembre ng taong 1988, si Minato na dating kilala bilang Nobuharu (kanyang pangalan) at Hiroshi Miyano na kilala bilang Yokoyama (dating apelyido) ay magka-sabwat sa pag-dukot kay Furuta na nuon ay pauwi mula sa kanyang part-time job. Ini-report ng pamilya ng biktima sa mga pulis ang pagka-wala nito nuong buwan din yun.

Ang nuo’y 15 anyos at 18 anyos na sina Minato at Miyano kasama ang 2 pang menor de edad na lalaki ay dinala ang biktima sa isang bahay sa Ayase area sa Adachi Ward kung saan ang biktima ay paulit-ulit na pinag-samantalahan, binaboy at pinahirapan sa loob ng 44 na araw.

Nuong ika-4 ng Enero taong 1989, si Furuta ay tuluyan nang binawian ng buhay, matapos siya silaban ng buhay ng mga walang awang mga kabataan. Binalot sa kumot ang katawan ng biktima at isinilid sa loob ng oil tank na sinimentohan pa at saka itinapos sa lugar na ngayon ay mas kilala sa tawag na Wakase Park.

Nahuli si Miyano at isa pang menor de edad na si Jo Ogura (17 anyos) dahil sa isa pang kaso ng pang-hahalay, nalaman ng mga pulis na ang mga ito ay may kinalaman sa pagka-wala ni Furuta. Habang inuusig ng mga pulis si Miyano, sinabi umano nito kung saan matatagpuan ang labi ni Junko.

Iba’t-iba ang natanggap na sintensya ng mga nasasakdal mula sa hukom;

Si Minato ay naka-tanggap ng 5 hanggang 9 na taong pagka-bilanggo, si Ogura ay naka-tanggap ng 5 hanggang 10 taong pagka-bilanggo at 20 taong pagka-bilanggo naman para kay Miyano. Ang ika 4 na suspek na si Yasushi Watanabe ay tumanggap naman ng 5 hanggang 7 taong pagka-bilanggo.

IKALAWANG BESES

Si Minato ay ikatlo sa 4 na suspek na muling na aresto. “Palagi niyang kasama ang kanyang mga bataan, palagi silang nag-babarbecue party at dinadala niya ito sa isang hostesa club.” ayon sa isang source.

Ang kotseng minamaneho nito ay ay BMW at mga mamahaling damit ang kasuotan nito. Alam ng lahat ang koneksyon nito sa mga organized crimes, at multi-level marketing schemes kung-kaya’t siya ay mapera.

Si Watanabe lamang ang isa sa 4 na suspek na umiwas sa radar ng mga kapulisan at mga ilegal na gawain mula ng ito ay maka-laya nuong 1996. Ayon sa isang pahayagan ito ay naninirahan kasama ng kanyang ina.

Matapos ang 5 taong pagka-bilanggo, taong 1999 ay muling na aresto si Ogura dahil sa pag-asulto at pag-kulong sa isang manager ng “snack” hostess club. Siya ay hinatulan ng 4 na talng termino na natapos nuong taong 2009.

Matapos maka-laya ni Miyano sa kulungan nuong 2009, pinalitan niya ang kanyang pangalan ng 「Yokoyama」. Makaraan ng 4 na taon, siya ay muling naaresto dahil sa kasong pan-loloko ngunit hindi nahatulan dahil sa ito ay nanahimik matapos ang kanyang pag-aresto.

Isang journalist ang nag-bigay ng impormasyon sa Josei Seven na ito ay regular na nag-pupunta sa isang kick boxing gym.

ANG TANGKANG PAG-PATAY

Si Minato naman ay inakusahan ng Saitama Police ng attemted murder. “Oo sinaktan ko siya at sinaksak, ngunit hindi ko binalak na patayin siya.”ani ng suspek sa mga pulis habang siya ay ina-aresto ng mga ito.

Base sa imbestigasyon, pina-niniwalaan ng mga pulis na ang pinag-ugatan ng insidente ay dahil sa away trapiko ng suspek at ng biktima, sinabi ng kapulisan.

Sinabi rin umano ni Minato na itinatago niya sa kanyang sasakyan ang bakal na baton at kutsilyo para sa protekyon sa sarili.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund