Super typhoon nag-iwan ng 9 na kataong patay sa Japan

Ating tignan ang hagupit na dala ng Typhoon no. 21

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Mahigit 3,000 byahero ang nai-stranded sa Kansai International Airport

9 na katao ang patay samantang mahigit 300 katao naman ang nag-tamo ng pinsala sanhi ng super typhoon Jebi. Mahigit 3,000 byahero ang nai-stranded sa Kansai International Airport, ito ay isa sa pinaka-main na paliparan sa bansa.

Super Typhoon no. 21

Isa sa runway ng paliparan ang nilamon ng tubig sanhi ng storm surge. Ayon sa mga opisyales ng Ministro ng Transportasyon, ilan sa mga eroplanong nanduon sa airport ay lubog sa tubig hanggang makina. Ang paliparan ay ipinasara nuong hapon ng Martes.

Fuel Tanker sa Osaka

Inihampas ng malakas na alon at hangin sa isang tulay na nag-uugnay sa paliparan at Izumisano sa Osaka ang isang Fuel Tanker. 11 na crew members ang nasa loob ng nasabing barko, sa kabutihang palad lahat sila ay walang pinsalang natamo at nai-rescue kaagad.

Hindi mai-start ng crew member ang makina ng barko kung-kaya’t inantay ng mga opisyales na tumila ang ulat at umayos ang panahon upang mahatak ang barko.

Isang operasyon sa pag-sagip sa crew ang ipina-tigil dahil sa isang nasirang gas pipe sa baybayin ng tulay.

Ang pag-bangga ng nasabing tanker sa tulay ay nag-sanhi ng pagka-sira ng kalsada at pagka-putol ng rail links sa airport.

Halos ilang bahagi ng gusali ay walang ilaw at mahina ang signal ng mga cellular phone. Ang mga byahero na nasa airport ay pumila na lamang sa isang convinience store upang bumili ng pagkain at maiinom.

Wala pa ring ibinigay na petsa kung kailan muling mag-operate ang paliparan.

Source and Image: NHK World

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund